Wednesday, July 30, 2014

              Sa pagbagsak ng Nineveh, ang Babylonia ay naging makapangyarihan. Ang mga Chaldean, sa pamamatnubay ng kanilang malakas na hari na si Nebuchadneszzar, ay nagtatag ng Imperyong Chaldean sa pamamagitan ng pagsakop sa fertile crescent. muling itinayo ni Nebuchadnezzar ang Babylon at pinaganda niya ito nang husto. Ang kanyang palasyo ay napapalibutan ng mga hardin sa mga terasa na pamoso sa tawag na Hanging Gardens.

           
          Ang mga Chaldean ay nagpakita ng kaalaman sa astronomiya. Kanilang pinag-aralan ang mga bituin, araw, buwan at mga planeta. Kahit walang mga teleskopyo at ibang instrumento sa pagtatala ng mga galaw ng mga heavenly bodies. 

          Naniwala rin ang mga Chaldean na posibleng masabi ang kinabukasan sa pamamagitan ng pagaaral ng mga bituin. Ang galaw ng mga bituin ang kanilang naging basehan sa paggawa ng mga mahahalagang desisyon.
            Sa pagkamatay ni Nebuchadnezzar noong 562 BK, ang Imperyong Chaldean ay bumagsak. Ito ay napalitan ng Imperyong Persian.

           

CHALDEANS



      Ang mga Caldeo (Caldea) ay tumira sa mga lambak sa may timog ng Mesopotamya, ang ibang tribo ay tumira sa timog ng Borsippa at may tumira din sa Elam, Asya. Ang kanilang organisasyon ay tribo, at ang mga bitu o bahay ng mga Caldeo ay sumasailalim sa pamumuno ni shaikh na noong mga panahong iyon ay tinawag ang kanyang sarili bilang hari. Ngunit ang mga tribo at hukbo doon ay hindi nagpatalo, pinasok ng mga Medes ang Mesopotamya. Ang emperador ng Asirya ay mahina at walang hari noon sa Babilonya dahil may digmaan. Kinuha ni Nabopolassar, isang Caldeo, ang oportunidad at prinoklama ang kanyang sarili bilang hari ng Caldea. Ang paghahari ng mga Caldeo ay tumagal ng 87 taon. Bumagsak ang Caldea at pinagsama sa Persiya bilang Persyang Babilonya.


  
        Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar, Naging maayos ang pamumuhay ng mga Chaldeans, ngunit ng mamatay ang kanilang hari nagsimula nang humirap ang kanilang kalagayan ang pumalit na hari ay hindi sinundan ang yapak ng dating hari. Nauna niyang inisip ang mga walang kabuluhang bagay, pagiging masagana, mayaman at ang kapangyarihan kung kaya't tuluyan na niyang napabayaan ang kanyang nasasakupan at nang dahil dito bumagsak ang kagandahang pamumuhay ng mga chaldean














    
     Ang Hanging Garden ng Babilonya ay ang isa sa pinaka-nakakahangang tanawin sa sinaunang panahon. Ipinatayo ito ni Nebuchadnezzar kung saan alay niya ito sa kanyang asawa. Ito ay pinataniman niya ng magagara at nakaka-akit na mga halaman. Kinikilala rin ito ng mga Grek bilang isa sa Seven Wonders ng Ancient World. 





                
             Marami ang naiambag ng Chaldeans sa kabihasnan , Sila ang naging daan ng pagbangon at pagiging matatag ng kanilang nasasakupan, may maayos at matalinong namumuno sa kanilang bayan. 
           Ang ilan sa mga naiambag nila sa kabihasnan ay ang Hanging Garden kung saan isa ito sa pinakamagandang tanawin noong unang panahon at ang Zodiac na nananatiling gamit pa natin magpasa-hanggang ngayon at marami pang iba.
      Ang mas naunang umiral na mitong sumeryo na Enmerkar at ang panginoon ng Aratta ay katulad ng kuwento at posibleng kinopya o nakaimpluwensiya sa kalaunang kuwento ng Tore ng Babel sa Tanakh. Ang E-ana ay isang ziggurat sa Uruk sa sumerya na itinayo bilang pagpaparangal sa Diyosang si Inanna na "Babae ng lahat ng mga lupain". Gayundin, ang panginoon ng Aratta ay nagkorona sa kanyang sarili sa ngalan ni Inanna ngunit hindi nalugod ang Diyosang si Inanna dito tulad ng sa kanyang templo sa Uruk.
               Ang Tore ng Babel ay isang malaking toreng itinayo sa lungsod ng Babel, ang pangalang Hebreo para sa Babilonya. Batay sa salaysay ng Bibliya, isang nagkakaisang sangkatauhan, na nagsasalita ng "iisang wika at salita" lamang at lumipat mula sa silangan, ang nakilahok sa pagtatayo nito pagkaraan ng Malaking Baha. Tinatawag din ang pagtatayo ng Tore ng Babel bilang "simula" ng kaharian ni Nemrod.